My Anxiety Depression
Hello guys, I want to share you my WEIRD STORY, tulad mo lang din ako
ordinaryong tao marunong masaktan, mamroblema, mag-isip ng mga bagay na
mahirap paniwalaan o gawin. Familiar na ba sa inyo ang salitang stress? o
depression? I think oo marami sa atin ang nakakaranas ng ganitong sakit na
nauuwi sa pagpapakatiwakal o pagpapakamatay. Ang sakit isipin di ba?
Ako si Selica Damasco 28 years old na nakaranas na ng Anxiety
Depression. Ibabahagi ko sa inyo ang aking masamang naranasan sa sakit
na ito. At Paano ko ba ito nalabanan.
Nag-start yung mga kakatwang pangyayari sakin nung nananaginip ako ng mga
masasamang pangyayari, hinihingal ako pagkagising, at halos mahulog o malunod
ako sa hinihigaan ko,. Naririnig ko pang may bumubukas ng pinto tuwing Gabi,.
halos ihambalos Ang pinto sa mukha ko.. pawis na pawis at halos manlamig ako
sa hinihigaan ko, Sobrang takot na takot ako.
Nangyari ito 4 years ago ng magresign ako sa trabaho, Sa inuupahan naming
bahay, Marami akong Naririnig about sa bahay na Yun. Kung Sino daw ang
nakatira ay nagkakasakit. May nakikita din daw silang mga kaluluwa, nung Hindi
pa Ito natitirahan.
But I Don't Care, Hindi ko naman sila pinaniwalaan dahil sa mata ng makadyos
walang bad spirit. Hanggang sa Hindi ko na Alam Ang mga Nangyayari sa akin,.
Bigla bigla nlang akong nahihilo, parang laging lumilindol. Ang bigat
bigat ng katawan ko, parang may buhat buhat ako sa likod, Sobrang sakit ng ulo
ko, kulang nlng sumigaw ako sa sakit,. Bumibilis Ang tibok ng puso ko halos di
ako makahinga,. May sakit ba ako sa puso tanong ko sa sarili?
Madalas Wala ako sa sarili, feeling ko tamad na tamad ako. Parang ayoko na
mabuhay, sobrang sakit isipin. But pray ko sa sarili ko, DYOS KO ayoko pa
mamatay. Minsan naiinis na Asawa ko sa mga kinikilos ko, hindi rin nya
ako maintindihan sinasabi din nya na baka stress lng ako, naapektuhan na pati
mga anak ko, hindi ko sila masyadong naaalagaan dahil sa mga nangyayari sa
akin.
Gusto ko gumaling para sa kanila, gusto ko malaman Kung ano nangyayari sakin,
ano ba sakit ko? May Malubha ba akong sakit? Paulit ulit sa isip ko.
Wala akong alam sa nangyayari sa akin kahit na marami nag sasabi na stress
lang daw ako. Alam ko nman sa sarili ko na baka stress lang ako pero, hindi ko
pa rin lubos na maintindihan kung anong nangyayari sakin. Bakit ako ganito,
bakit ganito?
Pumunta ako Hospital at nagpaconfine, sinabi ko lahat nararamdaman ko, at agad
nman nila ako pinalaboratory,.
But the end clear at normal lahat ng findings ko,. What happened to me??
Kinabukasan pinalabas na ako. But I'm not happy, dahil alam ko sa sarili ko
hindi nagamot Yung mga hinaing ko.
Lumipas ang mga araw hindi pa rin nawawala yung mga nararamdaman ko, still
ganun pa din,. Halos Gabi Gabi di na ako makatulog as in magdamag,
walang idlip na second o minuto as in magdamag di ako makatulog,. Pasulyap
sulyap ako sa orasan na nakasabit, rinig na rinig ko Yung bawat lakad nya,
ramdam na ramdam ko Yung mga kaluskos NG mga hayop sa labas sa kalaliman NG
Gabi,. Gusto ko umiyak Gusto ko magwala pero hindi ko kaya, gusto ko na sumuko
but Hindi ko kaya,. What happened to me??
Ilang linggo na hindi na ako makatulog as in magdamag. Feeling ko pagpipikit
mata ko si kamatayan Ang nakikita ko, Pag pipikit ako nalulunod ako. I don't
know. what happened to me.
Naisipan kong magbakasyon muna sa probinsya namin. Sinabihan din ako ng
doctor na magbakasyon nung 2nd na Nag pacheck-up ako,. At xempre sinabihan din
ako ng parents ko dahil Alam ko nag-aalala din sila sakin,. UMUWE ako NG
probinsya
Masaya nman dahil kasama ko na parents ko at mga anak ko,.
But the end,. Hindi natigil Yung mga Nangyayari sakin at Lalo ako lumalala
hanggang sa tamad na tamad nko sa buhay ko, Ni Hindi nako makapag-toothbrush,
tamad na din ako maligo, tamad kumain, mamamatay din lng, Sabi ko sa
sarili. Yung tipong mga kamay mo Hindi mo na magalaw ng normal, para
bang nanlambot na, di ako umaalis ng bahay nakamasid lang sa bintana sa taong
dumadaan,, diko alam.. what happened to me. My head feeling so nangingilabot
sa sakit, Yung mata ko nanlalabo, felling ko luluwa na, Nanlalagas na mga
buhok ko as in nanlalagas talaga. Yung hahawakan mo lang nanlalagas na. May
cancer bako tanong ko sa sarili. Tinago ko pa Yun sa Asawa ko,. Ayoko Makita
nya
Si mama Lang sinabihan ko, awang awa si mama sa akin, maging Ang papa ko.
Hanggang sa napagpasyahan ng parents ko na dalhin ako sa
magagaling na albularyo na kilala sa baryo namin,. Dahil Sabi nila baka
nabinat daw ako sa panganganak,. Sunod nman ako baka sakali mawala Ang sakit
na dinadanas ko,. Dahil kahit tamad na tamad nako sa buhay ko,,Nananaig pa Rin
sa akin na mabuhay para sa mga Mahal ko at especially sa mga anak ko.
Diko alam Kung ilang albularyo napuntahan namin.
Ilang manghihilot din pumupunta sa bahay para hilutin ako,. Kung ano ano na
Rin nasubukan Kong kainin o inumin dahil Yun Ang Sabi ng albularyo. Nagsisimba
din kami Nina mama kasama mga anak ko tuwing linggo, umiiyak ako habang
nagdarasal, paulit ulit ko sinasabi Kay GOD na, ayoko pa mamatay.
Diko ipapahalata Kay mama na umiiyak ako. Kahit hinang Hina na ako sa buhay
ko. Ayokong panghinaan sila ng loob dahil sa akin.
Lagi din akong pinag-lalaga ng yerba Buena, oregano, pandan ng papa ko tuwing
umaga,, iniinum ko Yun umaga at hapon araw araw dahil sa pananakit ng tiyan
ko. NAmimilipit din Ang tyan ko tuwing Gabi, nanlalamig mga paa, kaya madalas
ako nakakumot. Yun bang napapanuod mo sa mga teleserye na parang nababaliw
nakaupo sa isang tabi nakahawak ang magkabilang kamay sa ulo medyo
sinasabunutan sa sobrang kilabot ng ulo ko at panlalamig ng paa ko.
Mahigit 2mos na ng di pako gumagaling,. Lalo ako lumalala at Kung ano, ano na
nangyayari sakin, kaya lubos na nag alala sakin parents ko, Hanggang sa dinala
na nila ako sa hospital,. 2days ko sa hospital medyo ok na pakiramdam
ko. Asawa ko nagbabantay sakin, nagleave xa sa trabho para bantayan ako.
Nung araw na yun ako Lang sa loob Ng kwarto Ng hospital. Lumabas saglit si
Asawa para bumili NG pagkain,, habang nagsusuklay ako,, naglalagas nanaman
Yung buhok ko. Sobrang daming buhok,, kahit diko suklayin,, may sumasamang
buhok sa kamay ko Ang dami,, tinapon ko Yung mga buhok ko sa may bintana ng
kwarto NG hospital. Ayoko Makita ng Asawa ko,. Ayoko mag-alala sya,. Sobrang
sakit sa dibdib nung iniisip ko na, mamamatay nako dahil sa sakit ko, dahil
Hindi ko na kaya,. Dahil lunod na lunod na ang isip ko. Gusto ko na magpaalam
habang maaga pa.
Hanggang Kinabukasan kinausap ko na Asawa ko para magpaalam, Luluwas Sana xa
nung oras na Yun at may aasikasuhin, Pinigilan ko sya, dahil sa isip ko Yun
nlng Yung time na magkakasama kami,. Ang sakit sa dibdib na iiwan mo na Ang
Mahal mo sa buhay,.Sinabi ko sa kanyang Hindi nako magtatagal at nanghihina na
ako, Hindi ko na kaya, ingatan mo mga anak natin. Umiyak sya, umiyak ako nag
iyakan kami sa loob ng kwarto ng hospital,, diko maipaliwanag bakit ganito??
Bakit ganito? What happened to me??
Tinawagan ko na rin Sina Mama at mga anak ko para magpaalam,. Sobrang sakit,.
Hanggang sa pinagpasyahan Nina mama na puntahan ako sa hospital kasama mga
anak ko., kahit gaano man kalayo. Wala kasi private hospital sa bayan namin na
tumatanggap Ng card , card Kasi gamit ko. Kaya dumayo pa kami sa kabilang
suidad.
Sobrang saya ko ng Makita sila,. Especially mga anak ko. nag iyakan kami Nina
mama habang nasa harap kami NG Altar,. Harap Ni PAPA GOD, MAMA MARY At Lahat
NG Santo Dun sa Hospital,. Nagdarasal ako nun nung dumating sila.
Thanks GOD, Humiling ako sa kanya,. At Humingi Ako NG Sign para mabuhay Pa.
Yung sign na yun ang hinding hindi ko makakalimutan, lumakas ang loob ko dahil
sa sign na Yun. & Salamat din sa Pagpapalakas NG loob sakin NG Asawa ko,
mga anak ko at mga Mahal ko sa buhay.. Sobrang bless ko sa knila..
MY DEPRESSION:
DONT JUDGE ME, MAY KANYA KANYA TAYONG PINAG-DADAANAN..
Sa ibang stress at na dedepress ,, think positive always. wag nyo maxadong
dibdibin Ang problema,. wag kayo gumaya sakin. Nalulong sa Negatibong
Pag-iisip
Napagkaalaman ko,. Na sa sobrang stress or depress,,. Konektado Ang isip at
katawan . Mararamdaman mo lahat ng masasamang pakiramdam at pangitain
especially Fallen hair din nasa sayo Kung susuko kna,. Kya may nababalitaan na
nagpapakamatay dahil sa sobrang stress or depress
.
Nalaman ko lang nung nakalabas nako NG hospital na may anxiety depression ako,
nakita ko Lang sa medical certificate,. Ako Lang din nakagaling sa sarili ko,,
tulong na Rin NG mga Mahal ko sa buhay,, maging matatag sa lahat NG hamon sa
buhay.. Wag Basta basta susuko. Maraming Salamat sa pagbabasa Sana may
napulot kayong aral.
Ito ay totoong pangyayari sa aking buhay, kung ikaw ay nakakaranas ngayon ng
stress wag mo na hayaang lumala. Maging positibo ka sa buhay. Mahalin mo ang
sarili mo, maging mahal mo at mga nagmamahal sayo. Lagi mong isipin na bless
ka. Pinagpala ka, Mahal ka Ng diyos, Mahal Tayo ng diyos.
Now I'm Happy & Bless 😊

Thanks God he did not only heal your body but also your heart and spirit. Just keep going we r here for u, always. 🙏❤️
ReplyDelete