My Anxiety Depression

"AYOKO PA MAMATAY"

Hello guys, I want to share you my WEIRD STORY, tulad mo lang din ako ordinaryong tao marunong masaktan, mamroblema, mag-isip ng mga bagay na mahirap paniwalaan o gawin. Familiar na ba sa inyo ang salitang stress? o depression? I think oo marami sa atin ang nakakaranas ng ganitong sakit na nauuwi sa pagpapakatiwakal o pagpapakamatay. Ang sakit isipin di ba?

Ako si Selica Damasco 28 years old na nakaranas na ng Anxiety Depression.  Ibabahagi ko sa inyo ang aking masamang naranasan sa sakit na ito. At Paano ko ba ito nalabanan.

Nag-start yung mga kakatwang pangyayari sakin nung nananaginip ako ng mga masasamang pangyayari, hinihingal ako pagkagising, at halos mahulog o malunod ako sa hinihigaan ko,. Naririnig ko pang may bumubukas ng pinto tuwing Gabi,. halos ihambalos Ang pinto sa mukha ko.. pawis na pawis at halos manlamig ako sa hinihigaan ko, Sobrang takot na takot ako. 

Nangyari ito 4 years ago ng magresign ako sa trabaho, Sa inuupahan naming bahay, Marami akong Naririnig about sa bahay na Yun. Kung Sino daw ang nakatira ay nagkakasakit. May nakikita din daw silang mga kaluluwa, nung Hindi pa Ito natitirahan. 

But I Don't Care, Hindi ko naman sila pinaniwalaan dahil sa mata ng makadyos walang bad spirit. Hanggang sa Hindi ko na Alam Ang mga Nangyayari sa akin,. Bigla bigla nlang akong  nahihilo, parang laging lumilindol. Ang bigat bigat ng katawan ko, parang may buhat buhat ako sa likod, Sobrang sakit ng ulo ko, kulang nlng sumigaw ako sa sakit,. Bumibilis Ang tibok ng puso ko halos di ako makahinga,. May sakit ba ako sa puso tanong ko sa sarili?

Madalas Wala ako sa sarili, feeling ko tamad na tamad ako. Parang ayoko na mabuhay, sobrang sakit isipin. But pray ko sa sarili ko, DYOS KO ayoko pa mamatay.  Minsan naiinis na Asawa ko sa mga kinikilos ko, hindi rin nya ako maintindihan sinasabi din nya na baka stress lng ako, naapektuhan na pati mga anak ko, hindi ko sila masyadong naaalagaan dahil sa mga nangyayari sa akin. 

Gusto ko gumaling para sa kanila, gusto ko malaman Kung ano nangyayari sakin, ano ba sakit ko? May Malubha ba akong sakit? Paulit ulit sa isip ko.

Wala akong alam sa nangyayari sa akin kahit na marami nag sasabi na stress lang daw ako. Alam ko nman sa sarili ko na baka stress lang ako pero, hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung anong nangyayari sakin. Bakit ako ganito, bakit ganito? 

Pumunta ako Hospital at nagpaconfine, sinabi ko lahat nararamdaman ko, at agad nman nila ako pinalaboratory,. 
But the end clear at normal lahat ng findings ko,. What happened to me?? Kinabukasan pinalabas na ako. But I'm not happy, dahil alam ko sa sarili ko hindi nagamot Yung mga hinaing ko.

Lumipas ang mga araw hindi pa rin nawawala yung mga nararamdaman ko, still ganun pa din,. Halos Gabi Gabi di na ako  makatulog as in magdamag, walang idlip na second o minuto as in magdamag di ako makatulog,. Pasulyap sulyap ako sa orasan na nakasabit, rinig na rinig ko Yung bawat lakad nya, ramdam na ramdam ko Yung mga kaluskos NG mga hayop sa labas sa kalaliman NG Gabi,. Gusto ko umiyak Gusto ko magwala pero hindi ko kaya, gusto ko na sumuko but Hindi ko kaya,. What happened to me??

Ilang linggo na hindi na ako makatulog as in magdamag. Feeling ko pagpipikit mata ko si kamatayan Ang nakikita ko, Pag pipikit ako nalulunod ako. I don't know. what happened to me.

Naisipan kong magbakasyon muna sa probinsya namin.  Sinabihan din ako ng doctor na magbakasyon nung 2nd na Nag pacheck-up ako,. At xempre sinabihan din ako ng parents ko dahil Alam ko nag-aalala din sila sakin,. UMUWE ako NG probinsya 

Masaya nman dahil kasama ko na parents ko  at mga anak ko,. 
But the end,. Hindi natigil Yung mga Nangyayari sakin at Lalo ako lumalala hanggang sa tamad na tamad nko sa buhay ko, Ni Hindi nako makapag-toothbrush, tamad na din ako maligo, tamad kumain, mamamatay din lng, Sabi ko sa sarili.  Yung tipong mga kamay mo Hindi mo na magalaw ng normal, para bang nanlambot na, di ako umaalis ng bahay nakamasid lang sa bintana sa taong dumadaan,, diko alam.. what happened to me. My head feeling so nangingilabot sa sakit, Yung mata ko nanlalabo, felling ko luluwa na, Nanlalagas na mga buhok ko as in nanlalagas talaga. Yung hahawakan mo lang nanlalagas na. May cancer bako tanong ko sa sarili. Tinago ko pa Yun sa Asawa ko,. Ayoko Makita nya
Si mama Lang sinabihan ko, awang awa si mama sa akin, maging Ang papa ko.

Hanggang sa napagpasyahan ng parents ko na   dalhin ako sa magagaling na albularyo na kilala sa baryo namin,. Dahil Sabi nila baka nabinat daw ako sa panganganak,. Sunod nman ako baka sakali mawala Ang sakit na dinadanas ko,. Dahil kahit tamad na tamad nako sa buhay ko,,Nananaig pa Rin sa akin na mabuhay para sa mga Mahal ko at especially sa mga anak ko.

Diko alam Kung ilang albularyo napuntahan namin.
Ilang manghihilot din pumupunta sa bahay para hilutin ako,. Kung ano ano na Rin nasubukan Kong kainin o inumin dahil Yun Ang Sabi ng albularyo. Nagsisimba din kami Nina mama kasama mga anak ko tuwing linggo, umiiyak ako habang nagdarasal, paulit ulit ko sinasabi Kay GOD na, ayoko pa mamatay.
Diko ipapahalata Kay mama na umiiyak ako. Kahit hinang Hina na ako sa buhay ko. Ayokong panghinaan sila ng loob dahil sa akin.

Lagi din akong pinag-lalaga ng yerba Buena, oregano, pandan ng papa ko tuwing umaga,, iniinum ko Yun umaga at hapon araw araw dahil sa pananakit ng tiyan ko. NAmimilipit din Ang tyan ko tuwing Gabi, nanlalamig mga paa, kaya madalas ako nakakumot. Yun bang napapanuod mo sa mga teleserye na parang nababaliw nakaupo sa isang tabi nakahawak ang magkabilang kamay sa ulo medyo sinasabunutan sa sobrang kilabot ng ulo ko at panlalamig ng paa ko.

Mahigit 2mos na ng di pako gumagaling,. Lalo ako lumalala at Kung ano, ano na nangyayari sakin, kaya lubos na nag alala sakin parents ko, Hanggang sa dinala na nila ako sa hospital,.  2days ko sa hospital medyo ok na pakiramdam ko. Asawa ko nagbabantay sakin, nagleave xa sa trabho para bantayan ako.

Nung araw na yun ako Lang sa loob Ng kwarto Ng hospital. Lumabas saglit si Asawa para bumili NG pagkain,, habang nagsusuklay ako,, naglalagas nanaman Yung buhok ko. Sobrang daming buhok,, kahit diko suklayin,, may sumasamang buhok sa kamay ko Ang dami,, tinapon ko Yung mga buhok ko sa may bintana ng kwarto NG hospital. Ayoko Makita ng Asawa ko,. Ayoko mag-alala sya,. Sobrang sakit sa dibdib nung iniisip ko na, mamamatay nako dahil sa sakit ko, dahil Hindi ko na kaya,. Dahil lunod na lunod na ang isip ko. Gusto ko na magpaalam habang maaga pa.

Hanggang Kinabukasan kinausap ko na Asawa ko para magpaalam, Luluwas Sana xa nung oras na Yun at may aasikasuhin, Pinigilan ko sya, dahil sa isip ko Yun nlng Yung time na magkakasama kami,. Ang sakit sa dibdib na iiwan mo na Ang Mahal mo sa buhay,.Sinabi ko sa kanyang Hindi nako magtatagal at nanghihina na ako, Hindi ko na kaya, ingatan mo mga anak natin. Umiyak sya, umiyak ako nag iyakan kami sa loob ng kwarto ng hospital,, diko maipaliwanag bakit ganito?? Bakit ganito? What happened to me??

Tinawagan ko na rin Sina Mama at mga anak ko para magpaalam,. Sobrang sakit,. Hanggang sa pinagpasyahan Nina mama na puntahan ako sa hospital kasama mga anak ko., kahit gaano man kalayo. Wala kasi private hospital sa bayan namin na tumatanggap Ng card , card Kasi gamit ko. Kaya dumayo pa kami sa kabilang suidad.


Sobrang saya ko ng Makita sila,. Especially mga anak ko. nag iyakan kami Nina mama habang nasa harap kami NG Altar,. Harap Ni PAPA GOD, MAMA MARY At Lahat NG Santo Dun sa Hospital,. Nagdarasal ako nun nung dumating sila.

Thanks GOD, Humiling ako sa kanya,. At Humingi Ako NG Sign para mabuhay Pa. Yung sign na yun ang hinding hindi ko makakalimutan, lumakas ang loob ko dahil sa sign na Yun. & Salamat din sa Pagpapalakas NG loob sakin NG Asawa ko, mga anak ko at mga Mahal ko sa buhay.. Sobrang bless ko sa knila..

MY DEPRESSION:
DONT JUDGE ME, MAY KANYA KANYA TAYONG PINAG-DADAANAN..

Sa ibang stress at na dedepress ,, think positive always. wag nyo maxadong dibdibin Ang problema,. wag kayo gumaya sakin. Nalulong sa Negatibong Pag-iisip

Napagkaalaman ko,. Na sa sobrang stress or depress,,. Konektado Ang isip at katawan . Mararamdaman mo lahat ng masasamang pakiramdam at pangitain especially Fallen hair din nasa sayo Kung susuko kna,. Kya may nababalitaan na nagpapakamatay dahil sa sobrang stress or depress 
.
Nalaman ko lang nung nakalabas nako NG hospital na may anxiety depression ako, nakita ko Lang sa medical certificate,. Ako Lang din nakagaling sa sarili ko,, tulong na Rin NG mga Mahal ko sa buhay,, maging matatag sa lahat NG hamon sa buhay.. Wag Basta basta susuko.  Maraming Salamat sa pagbabasa Sana may napulot kayong aral.

Ito ay totoong pangyayari sa aking buhay, kung ikaw ay nakakaranas ngayon ng stress wag mo na hayaang lumala. Maging positibo ka sa buhay. Mahalin mo ang sarili mo, maging mahal mo at mga nagmamahal sayo. Lagi mong isipin na bless ka. Pinagpala ka, Mahal ka Ng diyos, Mahal Tayo ng diyos. 

Now I'm Happy & Bless 😊

Comments

  1. Thanks God he did not only heal your body but also your heart and spirit. Just keep going we r here for u, always. 🙏❤️

    ReplyDelete

Post a Comment